Secrets.don't ever tell.
4.08.2007,9:20 PM
Love Letter.
Dear You,
Oo. Ikaw. Kilala mo na kung sino ka. Aalis ka na pala. Di ko man lang alam..Pero bago ka umalis. May nais lang akong sabihin.
"‘Di mo lang alam. Kahit tayo’y magkaibigan lang. Napapaligaya lang sa
tuwing nagkukulitan.Baka sakali lang maisip mo naman. Ako’y nandito lang. Hindi
mo lang alam. Matalino ka naman"
Ang hirap magmahal lalo na kapag wala kang pakealam. Pag nasasaktan ako, siyempre iiyak ako. Pero ang masakit dun, tinitingnan mo lang akong umiyak. Hindi mo man lang marealize na ikaw na ang dahilan kung bat ako umiiyak.
"Just a friend, that’s all I’ve ever been to you. Oh just a girl who wants to
be the center of your world. But I ain’t got much to offer but my heart and
soul. And I guess that’s not enough for you to notice me. I’m just a girl and I
guess that’s all I’ll ever be to you."
Kaibigan? Oo kaibigan mo lng ako. Takbuhan pag may problema ka sa kanya. Iyakan pag sinsaktan ka nia tapos iiwan, babalik pag iiyak ulit. Eh ako? Kanino ako iiyak tuwing nasasaktan ako dahil sa iyo?
"What do I have to do for you to notice this? You look
at her with love with me it’s just friendship. "
I know. You have her. You have somebody else. You always talked about her when we're together. And you know what?She's so lucky. Because she's got the reason why I'm happy. She got you.
"Hindi mo ba alam. Damdamin ko’y pinagtakpan. Makasama
ka’y suntok sa buwan. ‘Di mo nga alam. Mundo mo nga’y iyong tignan. Kung ganyan, walang pupuntahan. Hindi ko ‘to gusto. Pero ‘wag kang lalayo"
The worst way that I missed you is not when you're far away but when you're near..so near and yet, I can never have you. Because I'm simply watching you fall for someone else.
"Sa tuwing magkasama. Parang bale wala. Nagmumukhang
hangin. Dumaang bale wala"
Kahit anong tindi ko magdasal alam kong di mo ko mamahalin at di ka magiging akin. Isa kang pangarap na di ko maabot. Kasi lahat ng pinapangarap mo...kahit kailan hindi magiging ako.
"Kulang na kulang ba? Hindi pa ba sapat? Inubos kong
lahat panahon ko sa yo. Anong gagawin, di mo pinapansin
etong damdamin, aking paglalambing."
Sabi nila [iwanan mo na]. sabi ko [ayoko]. sabi nila [okay pa?] sabi ko [ayos lang]. then tinanong nila ko isang araw [kaya mo pa ba?] napaluha ako habang sinasabi, [mahal ko eh, kaya kakayanin ko..]
"Why do I feel this way? When I know you have someone that you’re seeing
each and everyday. Should I play this game of just being your friend when I know that’s not where I want it to end. How could this be wrong? When it feels so strong. Tearing me apart. I feel it in my heart."
I was smiling when I saw a couple holding hands. I looked again and without knowing, a tear fell from my eyes. I cried because I saw the hands of the person I've always wanted to have. I saw you..
"'Cause you don't see me. And you don't need me. And you
don't love me. The way I wish you would. The way I know you could."
You know what? I realized that it's so hard to pretend that you love me. It's also hard to pray each and every night that you'll love me. It's so hard and depressing. I did everything I could. And you still don't love me. Tell me why. Am I that hard to love?
"Kasalanan ko ba kung iniibig kita? 'Di ko naman sinasadya ang
mahalin kita. Kasalanan ko ba kung ang nadarama ay pag-ibig
na tapat? Mapipigil ko ba kung mahal kitang talaga.."
Masama bang mapalingon sayo at titigan ka? Masama bang maging masaya pag nakakausap kita? Kasalanan bang masaktan kapag tinutukso ka sa iba? At pakisabi naman sa 'kin. Kasalanan bang mahalin kita?
"Malalim ang iniisip. Malayo ang tingin aking nalaman
nabaling sa iba ang nilalaman ng iyong damdamin."
Minsan ang layo ng tingin mo. Sino ba'ng hinahanap mo? Yun tao bang magmamahal sayo? Yan ang hirap sayo eh. Ang layo lagi ng tingin mo, ang tagal ko na dito...di ba pwedeng sa kin ka naman tumingin?
"Akin ka na lang. Iingatan ko ang puso mo. Akin ka na
lang. Wala nang hihigit pa sa ‘yo."
Sana akin ka para di ka iiyak. Sana akin ka para di ka na masasaktan. Sana akin ka para di ka na aasa pa. Ngunit ang talagang nais ko'y, sana ako siya na minahal mo ng sobra sobra.
"Nagtapos ang lahat sa di inaasahang pahanon at ngayon
ako ay iyong iniwan. Luhaan, sugatan, ‘di mapakinabangan. Sana nagtanong ka lang kung ‘di mo lang alam."
Isipin mo na lang, parehas tayong umiyak, parehas tayong nasaktan, at parehas tayong nahirapan. Pero bakit ganon? Sa huli, Sino lang yung natira? Ako lang di ba?
"Malas mo. Ikaw ang natipuhan ko."
Sabi nila kapag mahal mo isang tao, matututo kang pakawalan siya. Kung sayo, sayo. Kung hindi, hindi. Eh pano ko iisiping pakawalan ka? Eh ikaw ang dahilan kung bakit ako nagmamahal.
"I try to smile when I see other girls with you. Acting
like everything is okay. You don’t know how it feels to be so in love
with someone who doesn’t even know. My secret love."
Minsan kahit masaktan ako hahayaan na lang kita mapunta sa iba. Wala akong magawa. Alam kong wala akong karapatan.Dahil ang tanging pinanghahawakan ko lang ay...mahal kita.
"How could I ever let you go, is it too late to let you know."
Sasabihin ko na sana kaya lang nandyan siya, sisimulan ko na sana kaya lang inuna mo siya, ngayon nandito ka na masasabi ko na, I LOVE... bigla mong sinabi [UY ALAM MO, KAMI NA..] t*ngina! Paano na ko nyan?!
"That I come to run from your side. But each place I hide,
It only reminds me of you."
Sinabi ko sa sarili ko lilimutin na kita. Pinilit ko pero masakit. Ginawa ko, mahirap. Ano bang dapat gawin ko? Tumakbo? Magtago? Saan? Maliit lang mundo ko. Umiikot pa SA'YO.
"Coz someday, someone's gonna love me. The way, i wanted
you to need me. Someday, someone's gonna take your place. One day i'll forget
about you. You'll see, i won't even miss you. Someday, someday."
I tried to ignore you. I tried to keep myself from thinking about you. I tried so hard. But I can't. Shit naman! Sino ka ba? Ba't di ko magawang balewalain ka?!
"But one day these tears, they will all run dry. I won't have to cry sweet goodbye."
Nung umalis ka, akala ko okay lang. Akala ko isang tulog lang at malilimutan na kita. Pero hindi pala. Dahil nung umalis ka...pati pagtulog nakalimutan ko na.
"Aasahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga. Wag
ka sanang magtanong at magduda. Dahil ang puso ko'y walang pangamba."
Minsan, tinanong mo ako kung sino ang mahal ko. Tumahimik ako at hinawakan ang kamay mo. Sabi mo, [san tayo pupunta?] Sabi ko, [papakilala kita sa kania.] at dinala kita sa harap ng salamin, sabay sabing, [Siya. Siya ang pinakamamahal ko!]
" I wanted to tell you that my heart's in your hands. I prayed for the day that I would get the chance and just when I worked up the courage to try. Much to my surprise, you had somebody else. These feelings I keep to myself."
1 day, lumapit ka sa akin, di mo alam mahal kita. Tapos sabi mo, [mahal kita. ikaw lang ang babae sa puso ko. hindi ba pwedeng mahalin mo rin ako?] nagulat ako at napangiti. Aamin na rin sana ako kaya lang bigla mong sinabi, [sasabihin ko yun sa friend mo. ayus ba?]
"I may never get to hold you so tight. I may never get to kiss you goodnight.
I may never get to look deep in your eyes or so it seems.
I always will be wishing you were mine. I'll think about what could be all the
time. All the happiness that I could find. Baby, a girl can dream "
I was talking to you, I told you, [I've been inlove with the same person for 3 years.] She was touched. But then I whispered...[If only you knew..]
"...A girl can dream it's true. And to call you my own.
It's the sweetest dream I know.."
Sana ako ang namimiss mo, sana ako ang palaging hinahanap mo, sana ako ang mahal mo at sana..Wag kang mgagalit sa mga pinagsasasabi ko dahil.... hanggang "sana" lang naman ako eh.
"Here's a tear from me to you and maybe it will make you hear me."
Sabi mo di ka nanghihinayang na nawala siya sa'yo o nagsisisi na iniwan ka niya, sa totoo lang, hindi ako naniniwala, dahil nakatulog ka ng lumuluha sa tabi ko, habang pabulong kong sinasabi, [ako kaya iiyakan mo?]
"I loved you. You didn't feel the same. Though we're apart.
You're in my heart. Give me one more chance to make it real."
Pareho kaming nagmamahal sa'yo. Pero siya lang ang pinansin mo. Maraming beses ka na niyang sinasaktan. Pero paulit ulit mo siyang binibigyan ng pagkakataon. Minsan nga, gusto ko ng sabihin sa'yo [Hindi ba pwedeng ako naman? Hinding hindi naman kita sasaktan eh.]
"I'm scared to fall in love. Afraid to love so fast.
'Cause every time I fall in love. It seems to never last"
Bakit ganun? Sa pag-ibig palagi akong minamalas. Sabi nila, sobra daw ako magmahal. Sobra nga pero yung mga minahal ko naman kahit konti hindi ako minahal. Pero sa kaso mo...siguro hindi naman masama kung susubukin ko uling umibig. Dahil para sa iyo, kakayanin ko ulit lahat ng sakit.
"Cause you're bittersweet. You knock me off of my feet.
And I can't help myself. I don't want anyone else."
Makulit, epal, pacute at wirdo ka. Pero kapalaran nga naman, naging magkaibigan tayo. At kapalaran nga naman..na nahulog ako sa'yo. Dahil ang mga bagay na ayaw ko sa'yo...hindi ko na sila napapansin ngayon. Ang alam ko lang, mahal kita.
"Nagtitiis at nangangamba. Sa tuwing kasama mo siya.
Hanggang kailan ko ba madadala ang pagdaramdam."
Alam mo, okay ka! Sweet, mabait at masayang kasama. Kaya nga natatakot ako kapag may kasama kang iba eh. Para kasing napakaimposibleng di ka niya mahalin..
"I don’t wanna wait in vain for your love."
Ikaw ang buhay ko. Ako ang kamatayan mo. Ikaw ang mahal ko. Ako ang kaaway mo. Ikaw ang langit ko. Ako ang impiyerno mo. Ganyan ba ako talaga? Minahal naman kita ng sobra ah.
"This is the place where I sit.
This is the part where I love you too much."
Sabi mo iwasan kita. Sabi mo wag na kitang mahalin. Pero bakit ko pa kailangang pahirapan ang sarili ko? Mamahalin mo ba ko pag nagawa ko ang lahat ng ito?
"At ngayong wala ka na. Hindi alam kung saan magsisimula.
Ang ngayon, bukas, kailanman nag-iba. Wala bang bukas?"
Paano kung isang araw iwan kita? Hahabulin mo ba ako? Uubusin mo ba ang oras mo makita lang ako? Iiyakan mo ba ko kasi mahal mo ko? Hindi siguro, kasi kung iisipin ko, pang-ilang balik ko na ba to?
"And here if you want me. I'm yours you can hold me. I'm
empty and taking and tumbling and breaking "
Oo,hanggang ngayon nagseselos ako..kahit sabihin mong magkaibigan lang kayo at ako na ang mahal mo. Alam mo kung bakit?..takot lang ako,kasi dyan din tayo nagsimula sa [magkaibigan lang kami..]
"Is this how the book ends?Nothing but just good friends?"
I will never stop loving you. Even if you never start to love me. I will never stop being your friend. Even if being just a friendkills me. At least, it's...something.
"This is the place in my heart. This is the place where
I'm falling apart. Isn't this just where we met? And is this the last chance that
I'll ever get? I wish I was lonely. Instead of just only."
I thought I was over it. I thought I was fine. But when I hear something about you. I just sat, breakdown and cry my heart out saying, [naman oh! Tagal na nito! Dapat di na ko apektado.]
"Matagal ko ng gustong malaman mo. Matagal ko ng
itinatago-tago ‘to. Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila."
Bakit minahal kita agad pero napakahirap sayo na mahalin ako. Bakit pa ako nhulog sayo, kung di pala tayo tinadhana. At sa lhat ng bakit, bakit merong ikaw at ako, pero walang tayo?
"Mahal kita pero ‘di mo lang alam. Mahal kita pero ‘di mo lang ramdam.
Mahal kita kahit ‘di mo naman ako tinitignan. Mahal kita pero ‘di mo lang alam. Matagal ko ng gustong sabihin ‘to. Matagal ko ng gustong aminin sa’yo."
Sabi mo sana magparamdam na yung taong nagmamahal sa'yo. Sabi ko, nasa tabitabi lang yun.Tapos ngayon sasabihin mo, nakakapagod ng maghintay?! NAMAN! Mas nakakapagod kayang MAGPARAMDAM..
"Di makapaniwala sa nagawa mong paglisan o
kay bilis namang nawala ka sa akin."
Umupo ako.. tumabi ka.. sabi mo, mahal mo siya.. ngumiti lang ako di mo lang alam naluha ako.. tumayo ka para sundan siya.. bumulong ako [pucha buti pa siya.]
Ayan. Nakuha mo na ba yung gusto kong sabihin sa'yo? Tatlong taon kong tinago. Ngayon ko lang nilabas.Sana..sana, hindi mo ko malilimutan. Kasi ako, di kita malilimutan. Dahil ikaw ang naging buhay ko sa matagal na panahon. Salamat.:) Pinakita mo sa'kin kung pano magmahal at masaktan.
Love,
Me.
You don't deserve my tears anymore. You never did.